Pagred-tag ng National Intelligence Coordinating Agency sa isang unyon sa Senado, kinondena ng mga senador

Mariing kinondena ng ilang senador mula sa minority bloc ang ginawang pagred-tag sa isang unyon sa Senado na tinatawag na Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO).

Kasunod ito ng inilabas na tala ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Monteagudo sa Facebook account nito, kung saan ibinibilang ang grupong SENADO na kaisa ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

Kabilang sa mga kumondenang senador ay sina; Minority Leader Franklin Drilon, Senator Risa Hontiveros, Senator Leila de Lima, at Senator Francis Pangilinan na naglabas ng pahayag sa isyu.


Ayon sa mga senador, sa tagal ng kanilang pananatili sa Senado ay walang naganap na sabwatan mula sa grupo upang nakawin ang mga plano at programa ng gobyerno.

Kung magpapatuloy naman ang isyu, sinabi ng mga senador na indikasyon na ito hindi lamang ng pag-atake sa mga empleyado kundi sa buong Senado rin.

Sa ngayon, pinamamadali na ng mga senador ang pagpasa ng Senate Bill 2121 na inihain ni Minority Leader Franklin Drilon na nagtuturing sa red-tagging bilang isang krimen.

Facebook Comments