Pagrerebisa ng ilang historical events sa mga libro, hindi pinag-uusapan ngayon ayon sa DepEd

Hindi pinag-uusapan ng Department of Education (DepEd) ang isyu ng pagrebisa sa mga libro sa paaralan hinggil sa pagbago ng ilang historical events.

Sa isang panayam. sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na pinagtutuunan ngayon ng pansin ng kagawaran ang pagrebyu sa mga learning competencies upang mai-angat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Dagdag pa ni Poa, sinisilip ng DepEd ngayon ang pagpapalawak ng kanilang sakop sa regional high schools at turuan ng karagdagang skills na kakailanganin ng guro upang masigurong lumabas na competitive at skilled ang mga mag-aaral.


Mababatid na umuugong sa social media ang usapin ng historical revionism kasunod ng pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day noong August 21.

Facebook Comments