JobQuest.ph, magsasagawa ng 2-day face-to-face job fair ngayong araw sa Ayala Malls Cloverleaf sa Balintawak, QC

63

Naghahanap ka ba ng trabaho at gustong ma-hire agad?

Magpunta na sa dalawang araw na face-to-face job fair ng JobQuest.ph sa Ayala Malls Cloverleaf, Balintawak, Quezon City simula ngayong araw, August 23 hanggang 24.

Higit 30 local companies ang kanilang inimbitahan kung saan nasa 2,130 ang job vacancies na naghihintay sa inyo.


Bukas ito sa lahat ng naghahanap ng trabaho basta magdala ng maraming resume, sariling ballpen at vaccination card.

Para naman maiwasan ang mahabang pila, pwede ka ring gumawa ng account sa jobquest.ph at mag-register lamang.

Handog ito sa inyo ng JobQuestPH, Department of Labor & Employment, Quezon City Public Employment Service Office at official radio partner DZXL Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanap-buhay.



Facebook Comments