Pagregulate sa pagpasok ng bangus sa Dagupan City isinusulong, mga lalabang maaaring patawan ng penalty

Isinusulong sa lungsod ng Dagupan ang pagregulate sa local sale ng bangus mula sa labas ng lungsod.

Ayon kay Councilor Marcelino Fernandez, na pangunahing may akda ng ordinansa na dapat umanong iregulate ang pagpapasok ng bangus upang hindi malito ang mga bisita sa kung ano ang kaibahan ng pinagmamalaking bangus ng Dagupan.

Nakasaad sa ipinasang ordinansa na tanging ang city mayor sa tulong ng City Agriculture Office, ang authorized para mag accredit ng mga lokal na bangus base sa Accreditation Grading Structure.


Grade A ay mga Dagupan bangus dealers; Grade B ay mga dealers ng Pangasinan Bangus tulad ng bayan ng Binmaley, Mangaldan, San Fabian, at Western Pangasinan; Grade C para sa accredited dealers ng Northwestern Luzon Bangus tulad ng bangus mula sa La Union, Ilocos region maging sa Zambales; at Grade D, accredited dealers o “extra-local bangus” mula sa Bulacan, Rizal, Laguna at iba pang lugar.

Ang Grade A dealers ay may tyansang na magtinda at bumili ng bangus mula sa registered Dagupan Bangus Growers na suportado ng Certificate of Origin.

Samantalang ang Grade B, C, and D accreditations ay maaari lamang bumili at magtinda ng bangus sa mga itinalagang lugar lamang na kailangang magpakita ng auxiliary invoice galing sa appointed authorities, ang Grade D dealers ay maaari lamang magtinda o bumili ng bangus sa araw ng Lunes at Biyernes na may daming tatlong daang banyera bawat araw.

Ang mga lalabag sa ordinansa ay maaaring patawan ng suspension to operate sa Dagupan City sa isang linggo at pagkumpiska ng unauthorized bangus sa first offense; suspension to operate din sa Dagupan City sa loob ng isang buwan at pagkumpiska ng unauthorized bangus para sa second offense; at third offense ay revocation o pagkumpiska sa accreditation at confiscation ng unauthorized bangus.

Facebook Comments