Pagrepaso sa administrative case ng Jail Warden ng Taguig na inakusahan ng rape, iniutos ng BJMP Chief

76

Pinarerepaso na ni BJMP Chief Jail Director Allan Iral ang administrative case ng Taguig Deputy Warden na inakusahan ng rape.

Kasunod ito ng pagkaaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Jail Senior Inspector Ramon Carolino.


Kaugnay ito sa inihaing reklamo sa NBI ng isang alias “Geng” na nag-akusang ginahasa umano siya ni Carolino pagkatapos ng isang drinking session noong January 16.

Si Carolino umano ay kaniyang landlord at ni-rape siya nito sa kwartong inuupahan niya sa Pasay.

Ayon kay Iral, hindi nila kukunsintihin ang kaniyang mga tauhan lalo pa’t kung ito ay pang-aabuso sa mga kababaihan.

Facebook Comments