Nagbigay na ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa Philippine National Police Academy (PNPA) na repasuhin ang mga polisiya, protocols at merit of instructions sa akademya.
Ito ay matapos masawi ang kadeteng si Cadet Third Class George Karl Magsayo matapos parusahan ng limang suntok sa sikmura ng kaniyang upperclassman na si Cadet Second Class Steve Ceasar Maingat.
Ayon kay Elezar, nakikiramay na ang buong PNP sa pamilya ng nasawing si Magsayo.
Habang inatasan na nito sina PNPA Director Police Major General Rhoderick Armamento at si Directorate for Human Resources and Doctrine Development Director Police Brigadier General Arthur Bisnar na imbestigahan ang kaso.
Ngayong araw, nakatakdang isampa sa suspek na si Maingat ang violation of anti-hazing law resulting to homicide.
Kasabay ito sinabi naman ni PNPA PIO Police Lieutenant Colonel Louie Gonzaga na maituturing na isolated case ang insidente.
Si Magsayo ay idineklarang dead on arrival nang isinugod sa Qualimed Hospital sa Santa Rosa, Laguna nitong September 23.