PAGREREHISTRO AT RENEWAL NG NEGOSYO SA REINA MERCEDES, NAGSIMULA NA

CAUAYAN CITY — Inilunsad kahapon, ika-2 ng Enero, ang Business One-Stop Shop (BOSS) sa bayan ng Reina Mercedes.

Layunin nitong gawing mas mabilis, madali, at maayos ang mga proseso ng pagrerehistro at renewal ng negosyo.

Sa pamamagitan ng programang ito, maisusulong ang ease of doing business at anti-red tape upang maging mas business-friendly ang munisipalidad.


Kabilang sa mga serbisyong inaalok ay ang New Business Registration gamit ang eGov App, Renewal of Business Licenses, at License Retirement of Business.

Bukod dito, binibigyan ng prayoridad ang mga kliyenteng may espesyal na pangangailangan tulad ng mga senior citizen, buntis, at persons with disabilities (PWD).

Ang naturang aktibidad ay magtatagal hanggang ika-20 ng Enero, kaya’t pinapayuhan ang lahat ng negosyante na agad magparehistro o mag-renew upang maiwasan ang kaukulang multa para sa mga hindi makakasunod sa takdang panahon.

Facebook Comments