PAGREREKLAMO SA SOCIAL MEDIA, KINONDENA NG POSD

Cauayan City – Hinihikayat ng Public Order and Safety Division Cauayan City ang publiko na personal na idulog sa kanilang tanggapan ang anumang reklamo hinggil sa mga tsuper ng tricycle.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay POSD Chief Pilarito Mallillin, kamakailan lamang ay nakatanggap sila ng reklamo mula sa hindi nagpakilalang indibidwal hinggil sa isang tricycle driver na lagi umanong nagka-counter flow sa daan.

Ayon kay Chief Malillin, nang kanilang berepikahin ang reklamo hinggil sa sangkot sa Tricycle Driver, wala silang nakitang kahit anong record na ito ay lumabag sa batas trapiko.


Dagdag pa ni Chief Malillin, sa ganitong pagkakataon ay mas mabuting personal na idulog sa kanilang opisina ang kanilang mga hinaing sa halip na ipagkalat sa social media lalo pa kung idinadamay ang iba’t-ibang ahensya ng Gobyerno.

Ayon sa kanya, mas magiging tama at patas ang pagbibigay nila ng solusyon sa mga reklamo kung personal silang magtutungo sa tanggapan ng POSD Cauayan.

Facebook Comments