Pagresolba sa mga insidente na may kinalaman sa seguridad, ipinapa-prayoridad sa Pangulo

Manila, Philippines – Pinamamadali ng isang mambabatas ang gobyerno sa pagresolba sa sunud-sunod na insidente na may kinalaman sa seguridad ng bansa.

Babala dito ni CIBAC PL Rep. Sherwin Tugna, patuloy na maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa kung hindi masosolusyunan ang problema sa seguridad.

Ilan sa mga problema sa seguridad na kinaharap ng bansa ay ang krisis sa Marawi, ang pagatake sa Resorts World Manila, sagupaan ng militar at Abu Sayyaf sa Bohol, at ang magkakasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila.


Dahil aniya sa mga insidente ay hindi normal ang takbo ng buhay ng mga naapektuhan na naging dahilan para matakot ang mga potential foreign investors at mga turista sa bansa.

Sa unang quarter din ng 2017 ay bumagsak ang foreign investment mula sa 26.2 billion ng kaparehong period noong 2016 ay bumaba ito sa 22.9 billion.

Sa pagkilos para masolusyunan ang problema ay hindi lamang ang gobyerno kundi pinaaalerto na rin ang publiko sa pagtulong tulad ng pagsusumbong agad sa mga otoridad sakaling may mga makitang kahina-hinala sa paligid.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments