Pagrespeto sa karapatang pantao, mananatili sakaling magdeklara ng martial law ang Pangulo ayon sa AFP

Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na mananatili ang pagrespeto nila sa karapatang pantao.

Ito ay sa harap ng pagbabanta ng Pangulo na magdedeklara sya ng Martial Law kung magpapatuloy ang pananambang ng New Peoples Army at Abu Sayyaf Group sa mga sundalo at pulis na tumutulong lang sa pamimigay ng assistance sa mga lubhang apektado ng Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay AFP Spokeperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, malawak na ang karanasan ng AFP sa pagpapatupad ng martial law matapos na ipatupad ito sa buong Mindanao dahil sa nangyaring Marawi Siege kaya naman madali na sa kanilang ipatupad ito.


Pero sa ngayon, dahil wala pang opisyal na anunsyo ang Pangulo para sa pagdedeklara ng martial law, magsasagawa sila ng mga pagbabago sa mga techniques, taktika at procedure para patuloy na bantayan ang publiko laban sa panggugulo ng NPA at ibang teroristang grupo.

Facebook Comments