Tinukoy ng militar ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na responsable sa pagpapasabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa South Upi, Maguindanao na ikinasawi ng isang motorista kahapon ng umaga.
Ayon kay Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax R. Uy, batay sa narekober ng tropa na isa pang hindi pa napapasabog na IED malapit sa pinangyarihan ng insidente may bomb-signature ito ng Daesh Inspired Group BIFF.
Sa imbestigasyon naman ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army at South Upi Municipal Police Station, naganap ang pagsabog malapit sa telecommunication company sa Timanan Public Market, Brgy. Romongaob, South Upi.
Target daw ng pagpapasabog ang local chief executive na si Mayor Reynalbert Insular na nakatakda sanang dumaan sa lugar papunta sa Barangay Kuya, pero hindi ito natuloy.
Panawagan naman ni Major Gen. Uy sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa paglaban sa terorismo sa pamamagitan ng pag-report ng mga kanina-hinalang bagay o tao sa kanilang mga lugar.