Pagsabog sa Jolo, Sulu, kinondena ng mga senador

Kinondena ni Mindanaoan Senator Christopher Bong Go ang bombing incident sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng ilang sundalo at sibilyan kung saan marami rin ang nasugatan.

Ayon kay Go, wala talagang pinipiling lugar at panahon ang pag-atake ng mga terorista sa pagnanais nilang sirain at guluhin ang buhay ng mga Pilipino.

Dismayado si Go na nangyari ito sa kabila ng pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng kapayapaan ang buong bansa partikular ng mga kapatid na Pilipino sa Mindanao.


Nagpahayag din ng mabigat na pagkondena si Senator Imee Marcos sa naturang pagsabog sa Jolo, Sulu at wala aniyang anumang hinaing ang makakapagbigay katwiran sa ganitong karahasan.

Samantala, nagpahayag din ng pakikidalamhati si Senator Risa Hontiversos sa pamilya ng mga biktima ng pagsabog.

Katulad nina Senators Go at Marcos, iginiit din ni Hontiveros sa mga otoridad na gawin ang lahat para mapanagot ang responsable sa nabanggit na karahasan.

Facebook Comments