Kinondena ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. ang kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Sa statement, sinabi ni Galvez na kasalukuyang hinaharap ng bansa ang mga hamon at problema ng COVID-19 pandemic, ngunit patuloy na ikinakasa ng ilan ang mga ganitong brutal at walang awang pagpatay.
Nanindigan si Galvez na ang mga ganitong insidente ay hindi mapipigilan ang bansa sa pagkamit ng layunin nitong mahinto ang paulit-ulit na karahasan sa Sulu at maihatid ang pangmatagalang kapayapaan sa lalawigan.
Pagtitiyak ni Galvez na ang mga nasa likod ng karumal-dumal na gawa ay dadalhin sa hustisya at papanagutin sa mga krimeng kanilang nagawa hindi lamang sa mga taga-Sulu kundi sa lahat ng mga Pilipino.
Facebook Comments