Quezon City – Hindi maituturing na isang terror attack ang nangyaring pagsabog sa tapat ng Korean restaurant sa kanto ng Timog at Sct. Tuazon Barangay South Triangle, Quezon City kaninang madaling araw.
Sinabi ni QCPD Station Commander Chief Police Lieutenant Colonel Benjie Louise Tremor na sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.
Nangako din ang may-ari ng restaurant na makipagtulungan sa pulisya sa imbestigasyon nito.
Bandang alas 12:40 ng madaling araw ng pasabugan ang establisamiyento.
Isang lalaki ang namataan ng isang testigo na naglalakad lamang matapos ihagis ang dalang pampasabog.
Dalawang sasakyan ang bahagyang nagkaroon ng gasgas sa pagsabog at wala namang nasaktan dito.
Tinatayang nasa 30 pataas ang edad nito, 5’6″ ang taas, nakasuot ng kulay itim na damit at maong na maong na pantalon.
Inaalam pa ng pulisya ang uri ng pambasabog na ginamit ng suspek.