Pagsabog sa Sultan Kudarat kinondena ng Malacañang

Kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang isa nanamang insidente ng pagsabog sa bansa na nangyari sa Isulan, Sultan Kudarat kahapon kung saan 18 ang nasugatan.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Philippine National Police sa insidente upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pagsabog.

Pinayuhan din naman ni Panelo ang publiko na maging alerto at mapagmatiyag at isumbong sa mga otoridad ang anomang makikitang kahinahinala.


 

Tiniyak din naman ni Panelo na hindi palalampasin ng Pamahalaan ang mga ganitong insidente at pananagutin sa batas ang sunomang makikitang nagkasala.

Facebook Comments