Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pribadong kompanya na huwag muna magsagawa ng “Christmas Party”.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia at tagapagsalita ng Metro Manila Council (MMC), kahit na unti-unting bubuksan ang ekonomiya ng National Capital Region (NCR), hindi aniya ito ibig sabihin na pwede na ang mass gathering.
Aniya, ang layunin ng pagluwag ng panuntunan ng General Community Quarantine o GCQ sa NCR ay para palakasin at muling ibalik ang sigla ng ekonomiya sa rehiyon dahil lubha na itong naapektuhan ng pandemya.
Sa ilalim ng GCQ, bawal ang mass gathering batay sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force o IATF.
Kaya dapat mahigpit pa rin itong sundin ng publiko upang mas bumaba pa o tuluyang mag-zero ang kaso ng Corovirus sa rehiyon.
Kinumpirma naman ni Garcia na ang MMDA ang naglabas na ng kautusang hindi na ito magsasagawa ng Christmas Party.