MRT-3, nagdeploy ng mga marshal kasunod ng pagdoble sa pasenger capacity ng mga tren

61

Nag-deploy ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ng mga marshal sa lahat ng mga istasyon ng tren.

Layon nito na mapanatili ang kaayusan at masiguro na nasusunod ang mga health and safety protocols ng mga pasahero.


Sinisiguro ng mga station marshal na alinsunod lang sa itinakdang capacity ng mga pasahero ang pinapasakay sa loob ng mga bagon ng tren.

Itinaas na ang kapasidad ng mga tren sa 30% o 124 na pasahero kada train car mula sa dating 13% o 51 na pasahero kada train car o 153 na pasahero kada train.

Sinisiguro rin ng mga marshal na nasusunod ang mga rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan upang masiguro na ligtas ang mga pasahero sa hawahan sa COVID-19.

Facebook Comments