Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na posibile na ang pagsasagawa ng face-to-face graduation ceremonies at iba pang school-based activities kung gaganda na ang sitwasyon ng Pilipinas ngayong COVID-19 pandemic.
Sinabi ito ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan kaugnay sa bumababang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Malaluan, nakadepende pa rin ang pagpayag ng school-based activities sa lebel ng pagluluwag sa face-to-face protcols.
Dagdag pa nito, ikokonsulta nila ito sa Department of Health ngunit kung magpapatuloy ang pagganda ng COVID-19 situation ay magiging posible na ito.
Matagal pa naman aniya ang graduation para sa school year 2021-2022 kaya matagal pa ang preparasyon para rito.
Facebook Comments