MMDA, nakahanda sa Alert Level 1 sa Metro Manila

Handa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung sakaling isasailalim sa Alert Level 1 ang Metro Manila.

Tiniyak ito ni MMDA officer-in-charge Atty. Don Artes kaungay sa usaping pagluluwag ng alert level status sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Artes, tututukan nila ang mga establisiyimento upang masigurong masusunod ang ipinapatupad na minimum public health standards.


Matatandaang usap-usapan ang petisyong isailalim sa Alert Level ang kalakhang Maynila bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso sa naturang rehiyon.

Facebook Comments