iFM Laoag – Nagpapatuloy parin ang rehabilitasyun sa Cape Bojeador Lighthouse ng Burgos, Ilocos Norte lalong-lalo na sa gumuhong lupa sa gilid nito.
Tulong-tulong ang mga empleyado ng lokal na gobyerno ng Burgos sa pamumuno ni Mayor Crescente Garcia at ang mga mamamayan dito upang pigilan ang pagguho ng lupa nito.
Nagsagawa ang mga ito ng ‘sand-bagging’ at itinambak sa may gumuhong bahagi ng bundok. Ngunit ganun paman, kinakailangan parin ng mga ‘heavy equipment’ upang maayos ng husto at maibalik ito sa dating anyo.
Una nang nagresponde ang mga kasapi ng department of public works and highways (DPWH) sa nasabing lugar para maalis ang mga nagkalat na lupa sa daan at ang mga natumbang puno ng kahoy.
Dahil dito, pusposan ang probinsya sa pamumuno ni Governor Matthew Marcos Manotoc sa pagtulong lalong-lalo na sa mga kagamitan na kailangan ng munisipyo.
Maalala na ang Cape Bojeador Lighthouse sa bayan ng Burgos ang isa sa pinakamatandang parola sa buong Pilipinas at pinaniniwalaan na ito rin ang pinakamataas sa lahat.
Bernard Ver, RMN News