Manila, Philippines – Mariing binatikos ni Senator Sonny Angara ang Maute terror group sa paggamit ng mga bata sa kanilang paghahasik ng karahasan sa Marawi.
Ayon kay Angara, nakakaalarma na pati ang ating mga kabataan na walang kamalay-malay ay nadadamay sa gulong kagagawan ng grupong Maute.
Bunsod nito ay iginiit ni Angara sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan lalo na ang mga sundalo at mga lokal na opisyal na magtulung tulong upang sagipin ang mga batang ginagamit ng teroristang grupo sa kanilang iligal na operasyon.
Tinukoy ni Angara ang umiiral na batas sa bansa o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na mahigpit na nagbabawal sa mga bata na makilahok sa armed conflicts.
Ipinaalala din ni Angara na ang Pilipinas ay signatory ng Convention on the Rights of Child na naglalayong protektahan ang mga bata laban sa anumang giyera o pakikipag-bakbakan.
DZXL558, Grace Mariano