Pagsagot ng COVID-19 testing sa mga naghahanap ng trabaho, pag-aaralan na ng PhilHealth

Pinag-aaralan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sagutin ang COVID-19 testing ng mga naghahanap ng trabaho.

Ayon kay Philhealth spokesperson Dr. Shirley Domingo, ito ay kasunod ng mungkahi ng mga senador na isama ang mga jobseekers sa sakop ng libreng swab test ng ahensiya.

Pero paliwanag ni Domingo, nakadepende pa rin ito sa ngayon kung isasali ng Department of Health (DOH) ang mga naghahanap ng trabaho sa priority groups.


Sa ngayon, kabilang sa priority ng PhilHealth sa libreng COVID-19 testing ang mga pasyenteng may sintomas ng virus, mga nasa high risk at medical workers.

Facebook Comments