Pagsagot sa RT-PCR test, trabaho na ng gobyerno at mga kumpanya – ALU-TUCP

Iginiit ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang pagsagot ng gobyerno at mga kumpanya sa gastos ng RT-PCR test ng mga empleyado.

Ayon sa grupo, nabibigatan pa rin sila sa panibagong price cap na ipapataw ng Department of Health (DOH) sa RT-PCR test.

Nabatid na simula Setyembre 6, nasa P2,450 hanggang P2,800 na ang RT-PCR test sa mga pampublikong pasilidad.


Habang nasa P2,940 hanggang P3,360 sa mga pribadong pasilidad.

Kung magpapa-home service ay dadagdagan ito ng P1,000.

Ayon sa DOH, ginawa nila ito para maabot ng publiko at mapabilis ang testing capacity ng bansa.

Tutulong din ang Department of Trade and Industry (DTI) at DOH sa pag-monitor sa mga laboratoryo at iba pang pasilidad na nagsasagawa ng testing kung nasusunod ito at walang nagpapatong ng presyo.

Facebook Comments