
Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, hindi na dapat ulitin ang pagsailalim sa DNA test ng umano’y bangkay ng 14-anyos na Reynaldo De Guzman.
Ang pahayag ay ginawa ni Lacson, makaraang ilabas ng Philippine National Police ang resulta ng DNA test na hindi si De Guzman ang bangkay na nakuha sa Gapan, Nueva Ecija at pinaglalamayan ngayon ng kanyang pamilya.
Ayon kay Lacson, kailangang tanggapin ang resulta kung sinabi ng PNP na authentic ang ginawang DNA analysis sa umano ay labi ni De Guzman.
Dagdag pa ni Lacson, kahit ipilit ng mga magulang ni De Guzman na ulitin ang DNA test ay baka hindi na ito patulan ng ibang DNA testing centers.
Ipinaliwanag pa ni Lacson, na may association sa buong mundo na ang lumabas na analysis DNA, ay hindi na pwedeng kontrahin o kaya segundahan o ipasuri muli.
Layunin aniya nito na mapanatili ang integridad ng resulta ng mga DNA tests.









