Pagsailalim sa Yellow Alert ng Luzon, hindi dapat ikabahala

Hindi dapat ikabahala ng mga taga-Luzon ang posibleng brown-out matapos isailalim sa Yellow Alert ang kapuluan na naganap kaninang alas-1 hanggang alas-3 ng hapon.

Ito ay matapos bumaba sa 11,344 megawatts (MW) ang operating requirement laban sa 11,760 MW magagamit na kapasidad.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, isang planta lamang ang nagkaroon ng problema at maibabalik naman ito sa normal na operasyon sa lalong madaling panahon.


Habang bagama’t manipis ang suplay ng kuryente, walang inaasahang rotational brown-out o pagkawala ng elektrisidad sa ilalim ng Yellow Alert.

Ang pagtataas ng Yellow Alert ay bunsod ng sabay-sabay na pagsasagawa ng preventive maintenance ng ilang planta kung saan kabilang dito ang Ilijan at Pagbilao power plants.

Facebook Comments