Pagsakay sa mga Cargo Trucks ng mga Stranded Individuals pauwi ng Isabela, Nadagdagan

Cauayan City, Isabela- Inamin ng tagapagsalita ng Isabela Inter-Agency Task Force ang ilang ginagawang pagpuslit ng ilang mga Isabeleño para hindi na dumaan sa tamang proseso ngayong humaharap ang bansa sa pandemya.

Ayon kay Atty. Elizabeth Binag, sakay ng mga cargo trucks ang ilang mga residente ng iba’t ibang lugar sa probinsya para makaiwas sa posibleng pagsasailalim sa quarantine kaya’t ginagawa nila ang mga hakbang na ito.

Aniya, agad naman itong inamin natunton matapos ipagbigay-alam ng mga monitoring team at LGU kaya’t agad na ginawan ng kaukulang aksyon ang kanilang naging hakbang ukol dito.


Samantala, nagpapatuloy ang ginagawang hiwalay na imbestigasyon ng provincial government sa usapin ng umano’y ginawang pagpapatakas ng isang kawani ng Provincial Health Office sa kanyang sariling kapatid na isang Locally Stranded Individual (LSI) mula sa kalakhang maynila.

Giit ni Binag, sakaling mapatunayan na may pagkakasala ang nasabing empleyado ay mahaharap ito sa kasong may kinalaman sa paglabag sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocol.

Facebook Comments