Pagsakop ng PhilHealth sa magiging side effects ng bakuna laban sa COVID-19, inihimok ni Senator Villanueva sa DOH

Hinimok ni Senator Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) na magsagawa ng kategorya sa magiging side effects ng bakuna laban sa COVID-19 na masasakop ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa ginanap na Senate Committee on the Whole hybrid hearing, ipinarating ni Villanueva sa pamahalaan ang kanyang pag-aalala na kung nagkaroon ng allergy o respiratory distress matapos ang pagbabakuna, ay maaaring maningil ang PhilHealth laban sa umiiral na case rates.

Sinang-ayunan naman ni Health Sec. Francisco Duque III ang panukala ni Villanueva kaya magsasagawa na sila ng pag-aaral kung walang isusulong na indemnification legislation.


Kasabay nito, hiniling din ni Senador Francis Tolentino kay Duque at sa Food and Drugs Administration (FDA) na bumuo kaagad ang patakaran sa ibinibigay na donasyon na bakuna upang matiyak na makararating ito sa “intended recipients.”

Facebook Comments