BOC, tiniyak na maayos ang daloy ng mga papasok na importasyon sa bansa

41

Pinaigting pa ng Bureau of Customs (BOC) ang pagmo-monitor upang matiyak na maayos ang daloy ng mga papasok na importasyon sa bansa sa kabila ng epekto ng COVID-19.

Dahil dito, nagtalaga ang BOC ng Covax importation unit na makikipag-ugnayan sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan sa mga kargamentong may kinalaman sa COVID-19 vaccine.


Nagkaroon din ng one-stop-shop sa Port of NAIA para mapadali ang proseso at pagpapalabas ng mga naaprubahang bakuna at Personal Protective Equipment (PPEs), Medical Supplies at iba pang mahahalagang pangangailangan laban sa COVID-19.

Facebook Comments