Pagsalpok ng dalawang motorsiklo sa isang trak sa Caloocan, huli sa CCTV

100
Manila, Philippines – Sugatan ang dalawang motorcycle rider matapos silang sumalpok sa isang truck sa Caloocan City.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagdaan ng isang truck sa 10th Avenue Corner 8th Street kung saan biglang sumulpot ang dalawang motorsiklo.

Sa bilis ng takbo, sabay silang sumalpok sa trak na tumatawid sa intersection.

Ayon kay Barangay 103 Chairman Alfred Ang Jr. – ang unang motorcycle rider ay agad na bumagsak sa kalsada habang ang isa naman ay tumilapon sa kanyang motor at napailalim pa sa trak.

 Agad anya isinugod ang dalawa sa ospital.

Dagdag pa ng Barangay Chairman, takaw-aksidente ang lugar.

Paalala ng mga otoridad sa mga motoristang dumaraan sa mga intersection, mag-menor para maiwasan ang disgrasya.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments