Pagsalpok ng Motorsiklo sa Cabatuan, Isabela, Isa Patay; Isa Sugatan!

190

Cabatuan, Isabela – Patay agad ang isang magsasaka matapos sumalpok sa daan habang sugatan ang isang bata na nabangga nito sa pambansang lansangan ng Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima at driver ng motorsiklo na si Jay-ar Frogozo Lagat, 35 anyos, may asawa, habang ang sugatan ay kinilalang si Angelica Lucero Dela Penia, 11 anyos at kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, patungong east direction ang biktima lulan ang minamanehong motorsiklo nang biglang masalpok nito ang batang tumatawid sa nasabing lansangan.

Dahil sa bilis ng patakbo ng biktima ay nawalan ito ng kontrol sa manibela kaya’t tumilapon sa daan at nagtamo ng malalang pinsala sa katawan na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay habang si Dela Penia naman ay dinala sa pagamutan para sa kanyang karampatang lunas.

Samantala, dinala na sa himpilan ng PNP Cabatuan ang motorsiklo ng biktima para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments