Pagsalubong ng 2019 generally peaceful – MPD

Ikinatuwa ni MPD District Director Senior Superintendent Vicente Danao Jr., sa ang pagsalubong ng Bagong Taon sa lungsod ng Maynila dahil walang anumang insidente ng karahasan ang naitala bagaman at mayroon lamang na mangilan-ngilan na napuputukan pero sa kabuuan ay naging mapayapa ang pagpasok sa taon 2019.

Ayon kay Danao malaking tulong ang ginawang pag-iikot ng mga pulis sa iba’t ibang lugar sa Maynila upang matiyak na ligtas ang mga Manilenyo sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Paliwanag ni Danao naging masigasig din ang mga barangay tanod sa paglilibot sa kani-kanilang mga nasasakupan at nagpapaalala na umiwas ng paggamit ng mga malalakas na paputok.


Giit pa ng opisyal naging masunurin din umano ang mga pulis Maynila dahil walang pulis na nagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon kung saan senyales umano ito na naging disiplinado na ang mga pulis-Maynila.

Facebook Comments