Pagsalubong sa Bagong Taon, generally peaceful; 2 kaso ng indiscriminate firing, naitala ng PNP

Inihayag ngayon ng Philippine National Police (PNP) na hanggang sa unang mga oras ng taong 2023 ay mapayapa at naging ligtas sa pangkalahatan ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Red Maranan na walang malalaking kasong naitala saan mang bahagi ng bansa maliban sa dalawang ilegal na pagpapaputok ng baril sa sa Iloilo at Quezon City.

Base sa rekord ng PNP, isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) at isang sibilyan ang arestado sa nabanggit na dalawang kaso ng indiscriminate firing.


Sabi ni PCol. Maranan, nakapagtala rin ng isang kasong ligaw na bala sa Iloilo City pero agad ding naaresto ang suspek.

Una na ring inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMaj. Gen. Jonnel Estomo na naging mapayapa ang pagsalubong ng Bagong Taon sa NCR.

Paliwanag naman ni PNP Chief PGen Rodolfo Azurin Jr., nakamit ang mapayapang pagsalubong ng Bagong Taon dahil sa maagang paghahanda at maigting na implementasyon ng pagbabawal sa paggamit ng paputok sa laluna sa hindi awtorisadong lugar.

Nakataas ang full red alert status ng PNP hanggang sa January 6.

Facebook Comments