Pagsama ng comprehensive Sex Education sa curriculum, OK sa CHED

Walang problema sa Commission on Higher Education (CHED) na isama ang isang komprehensibong Sex Education sa higher education curriculum.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera, mas madali itong gawin kung magkakaroon ito ng integration sa mga existing subject.

Aniya, mahirap na bumuo ng bagong subject para sa Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa ilalim ng Senate Bill 1334 o panukalang Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2020.


Sa ilalim ng panukala, ang CSE ay layong i-normalize ang mga diskusyong hinggil sa adolescent sexuality at reproductive health.

Kabilang sa mga paksang sakop ng CSE ay human sexuality, effective contraceptive use, disease prevention, gender equality at equity at sexual violence.

Maiiwasan din nito ang teenage pregnancy at maitatag ang social protection para sa adolescent parents.

Facebook Comments