Pinag-aaralan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama ang mental health services sa primary care package para sa mga Pilipino.
Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Department of Health (DOH) upang makasama na ang mental health sa kanilang “Konsulta package.”
Batay sa DOH, aabot sa 3.6 milyong Pilipino ang nakakaranas ng mental health issues nitong COVID-19 pandemic.
Higit 1.14 million na Pilipino ang may depresyon; 847,000 ang nakakaranas ng alcohol-use disorders at 520,000 naman ang may bipolar disorder.
Facebook Comments