Pagsasa-ayos at Beautification project sa Metro Manila, bawal muna ayon sa MMDA

Inanunsiyo ngayon ng Metro Manila Development Authority o MMDA na bawal muna ang paglalagay ng aspalto at pagpapaganda sa mga lungsod sa Metro Manila.

Ito ang naging pahayag ni MMDA spokeman Celine Pialago sa pagdalo nito sa Tapatan forum, sa gitna na rin nang pagsisimula ng weekdays ban sa mga sale ng mga mall ngayong araw.

Ayon kay Pialago, bawal na ang weekdays sale sa mga mall mula November 11 hanggang January 2020 upang maiwasan ang matinding trapikosa tuwing magpa-Pasko at Bagong Taon.


Paalala ni Pialago sa mga alkalde sa NCR na sa susunod na taon na lamang nila ituloy ang kanilang road projects dahil king itutuloy ito ay maaaring magdulot ng bigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Tiniyak ni Pialago na maaari naman gawin ang emergency repairs gaya ng mga nasirang tubo ng tubig at mga kable ng kuryente basta may consent ito ng lokal na pamahalaan habbang ang programang may kaugnay sa build build build ay maaari pa din itong ipagpatuloy.

Facebook Comments