
Pinamamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasa-ayos ng mga nasirang imprastruktura sa Davao Oriental.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, matibay umano ang mga ginagawang pampublikong imprastraktura sa Davao Oriental na nasira dahil sa pagtama ng 7.4 magnitude na lindol.
Importante umanong matapos agad ang mga pasilidad at imprastruktura para tuloy-tuloy ang serbisyo ng lokal na pamahalaan, maging ang pagresponde sa mga kalamidad at emergency.
Personal na sinuri ni Secretary Dizon ang restoration at repair works ng Evaristo Moralizon National Vocational High School at Manay Municipal Hall at ng Davao Oriental Provincial Hospital sa Cateel.
Ang inisyatibang ito ay utos pa rin ni Pangulong Bongbong Marcos na bilisan ang pagsasa-ayos ng mga nasirang imprastruktura gaya ng mga pampublikong paaralan, ospital at munisipyo naturang probinsya.









