PAGSASAAYOS NG CORDON-AURORA BOUNDARY ROAD, TAPOS NA

Nakumpleto na ang ginawang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways – Quirino District Engineering Office (DPWH-QDEO) ang preventive maintenance project sa Cordon-Aurora Boundary Road (Isabela Boundary-Junction Dumabato) sa Aglipay, Quirino.

Ang bagong ayos na daan ay bukas na para sa publiko.

Ito ay pinondohan ng P9.972-million sa ilalim ng the General Appropriations Act of 2022.

Sa ibinahaging impormasyon ng DPWH Region 2, ang saklaw ng trabaho ng proyekto ay kinabibilangan ng asphalt overlay ng 0.8140 lane kilometro na kalsada, reblocking ng sirang concrete pavement, at pag-install ng reflectorized thermoplastic pavement markings.

Layunin ng proyekto na mapabilis ang daloy ng trapiko para sa mga commuters.

Ayon kay District Engineer Lorna B. Asuten magbebenipisyo rin ang mga mag-aaral na napapasok sa paaralan sa bagong ayos na daan sa lugar.

Facebook Comments