MOTORCYCLE ACCIDENT SA CAUAYAN CITY, HIGIT 400

36
Umabot na sa mahigit 400 ang naitalang motorcycle accident sa lungsod ng Cauayan nitong taon.

Ayon sa pinakabagong datos ng Cauayan City BGD Command Center o Rescue 922, may kabuuang 405 na ang nangyaring aksidente mula Enero 1, 2022 hanggang Setyembre 13, 2022.

Batay rin sa talaan ng Rescue 922, ang mga naitalang motorcycle accident sa lungsod ay kinasasangkutan ng mga drayber na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin at mga walang suot na helmet.

Mayroong 231 namang mga draybers na naaksidente ang nag positibo sa Alcohol Breath Test.

Nasa 224 naman ang bilang ng mga naaksidente ay walang suot na helmet habang nagmamaneho.

Samantala, may 13 naman ang nasawi sa mga naaksidente mula Enero hanggang Setyembre.



Hinakayat naman ng mga awtoridad ang mga drayber na sundin ang mga batas trapiko upang makaiwas sa aksidente.

Facebook Comments