Pagsasaayos ng Kalsada sa Zinundungan Valley, Pinangangambahang Maudlot!

*Cauayan City, Isabela-* Posibleng maudlot ang pagsasagawa ng kalsada partikular sa daan patungong Zinundungan Valley, Rizal, Cagayan dahil wala pang nailaang pondo ang gobyerno para sa taong 2020.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Vice Mayor Atty. Joel Ruma ng Rizal, Cagayan, kanyang inamin na bagamat mayroon pa rin itong nakalaan na pondong nagkakahalaga ng 76 Milyong piso para sa pagsasaayos sa mga kalsada sa lugar ay nalulungkot pa rin aniya ito dahil wala na itong pondo sa taong 2020 para sa nasabing proyekto.

Sa ngayon patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ni Vice Mayor Ruma sa ilang mga ahensya gayundin ang CAGELCO 1 upang matugunan ng maayos ang pagbibigay ng suplay ng Kuryente sa nasabing lugar.


Hiling naman ng ilang residente na maisaayos na sa lalong madaling panahon ang kanilang kalsada upang mapadali na rin ang kanilang pagbyahe sa kanilang mga kalakal at hindi na rin magtiis sa alikabok at putik.

Umaasa naman ang pamahalaang lokal na maisasakatuparan at matatapos ang pagsasaayos ng kalsada bago matapos ang administrasyong Duterte.

Facebook Comments