Pagsasaayos ng Port of Maribojoc sa Bohol, 95% nang tapos – DOTr

Nasa 95% nang tapos ang port rehabilitation and development project para sa Port of Maribojoc sa Bohol.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, inaasahang mabubuksan na ito sa susunod na buwan.

Magiging isang ganap aniya ito na cargo terminal at alternative port para tulungang mapaluwag ang cargo traffic sa Port of Tagbilaran.


Aniya, halos dalawang dekada nang nakatengga ang Port of Maribojoc matapos itong mapinsala ng 7.2 magnitude na lindol noong 2013.

Pero ngayon ay mapakikinabangan na ito at dala ang pag-asa ng mas maunlad na komersyo at kalakal sa nasabing rehiyon.

Sinimulan ang pagsasaayos sa pantalan noong 2018 kung saan inayos ang existing rock causeway, konstruksyon ng back-up area na mayroong Ro-Ro ramp on fill, konstruksyon ng breasting dolphin at pag-install ng lighting system.

Facebook Comments