Pagsasaayos ng suplay ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Karding, puspusan na – DOE

Puspusan na ang pagsasaayos ng mga electric power distributors sa mga nasirang linya ng kuryente, para maibalik na sa normal ang suplay ng kuryente sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Karding.

Ayon sa Department of Energy (DOE), batay sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), National Electrification Administration (NEA) at Manila Electric Company (Meralco) ay wala pa ring kuryente sa mga lalawigan ng Aurora, ilang bahagi ng Nueva Ecija, Tarlac , at San Miguel, Bulacan.

Gayunman, tiniyak ng mga naturang electric power distributors na patuloy ang pagsasaayos nila ng mga linya ng kuryente.


Nagiging pahirapan lamang anila ang pagsasaayos sa bahagi ng Aurora dahil nakalubog pa rin sa putik ang mga linya matapos itumba ng malakas na hangin ang mga tore ng kuryente.

Samantala, sinabi naman ng Meralco na 3,526 na costumer na lamang ang walang kuryente, mula sa higit dalawang milyon.

Facebook Comments