Pagsasaayos ng tulay, Maaring Pondohan ng Milyong Halaga

Reina, Mercedes, Isabela – Naging pangunahing adyenda sa sesyon ng Sangguniang Bayan ng Reina Mercedes kahapon ang pagsasaayos ng mga tulay sa Distric 1 at District 2 sa nasabing lugar.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay SB member Hon. Julio Cutaran, presiding officer ng sesyon, sinabi niya na nasa kongreso na ang kahilingang pondo na tatlong milyong piso mula kay Senator Eduardo Manalang Anggara para sa pagsasaayos ng tulay sa District 1.

Ayon kay SB Cutaran, kabilang din sa rehabilitasyon ang tulay sa District 2 na popondohan ni Senator Coco Pimentel ng halagang tatlong milyong piso.


Dagdag pa ng naturang sangguniang bayan, positibo umano si Mayor Anthony Respicio na maaaprubahan ng dalawang senador ang kanilang kahilingan na kanyang sinisikap na maisaayos ngayong taon.

Facebook Comments