Ibinabala ni Senator Risa Hontiveros ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga lugar na hinagupit ng mga nagdaang kalamidad.
Ayon kay Hontiveros, mangyayari ito kung hindi agad maipapagawa ang mga COVID-19 testing and isolation facilities na nasira dahil sa pananalasa ng magkakasunod na bagyo at malawakang pagbaha.
Apela ni Hontiverso, huwag hayaang maging COVID-19 hotspots ang mga lugar na hirap din makabangon sa mga dumaang bagyo kung saan marami pa ang nagsisiksikan sa mga evacuation centers na lubhang delikado.
Dahil dito ay isinusulong ni Hontiveros na magkaroon ng dagdag na pondo sa 2021 national budget ang Department of Health (DOH) para sa agarang rebuilding ng testing and isolation facilities na lubhang kailangan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
May hinala rin si Hontiveros na kaya bumababa ang reported COVID-19 cases sa mga lugar na tinamaan ng bagyo ay dahil sa wala o kulang ang testing centers.