Pagsasaayos sa nasirang navigational gate ng Navotas, minamadali na —MMDA

Puspusan na ang pagkukumpuni ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nasirang Navotas Navigational Gate.

Kasabay nito, pinawi ni MMDA Chairperson, Atty. Don Artes ang pangamba ng mga residente ng Malabon at Navotas sa muling pagtaas ng baha sa kanilang lugar kasunod ng pagkasira ng Navigational Gate dito.

Aniya, walang dapat ikabahala ang mga residente dahil tuloy-tuloy naman ang ginagawang pagsusuri at pagkumpuni dito ng MMDA.

Ang Navotas floodgate ay nagsisilbing harang na pumipigil sa pagpasok ng tubig mula sa Manila Bay na dumaloy sa mga ilog ng Navotas at Malabon para hindi na ito magdulot ng pagbaha tuwing may malakas na ulan.

Una nang sinabi ni Artes na nananatili namang operational ang floodgate ngunit kasalukuyang nagsasagawa ng assessment para matukoy ang lawak ng pinsala sa pangkalahatang istraktura.

Noong Martes ng madaling araw nang bumangga ang barkong F/V Monalinda 98 sa Navotas Navigational Gate na nagresulta sa pagkabutas nito.

Facebook Comments