Pagsasabatas ng Marawi compensation law, ikinalugod ng mga Mindanaoan Solons

Lubos na ikinalugod ng mga kongresista sa Mindanao ang tuluyang pagsasabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11696 o Marawi Compensation Law.

Ayon sa mga kongresista, malaking bagay ito sa mga kababayan natin sa Marawi na halos limang taong naghintay ng tulong para maisaayos ang mga nasirang bahay at kabuhayan dahil sa digmaan.

Sinabi pa na hindi man maibalik ang mga nawala at dating pamumuhay ng mga Maranao ay malaking tulong pa rin ang batas para sa mga ito.


Sa ilalim ng batas, ang mga owners o nagmamay-ari ng residential, cultural, commercial structures at iba pang pagaari na nasa loob ng “main affected areas” at “other affected areas” ay makakatanggap ng tax-free monetary compensation mula sa pamahalaan.

Maliban dito, ang mga nagmamay-ari ng mga private properties na dinemolish para sa rehabilitasyon ay mabibigyan din ng kabayaran mula sa gobyerno.

Maaari namang maghain ng claims para sa compensation sa loob ng isang taon matapos na malikha ang Marawi Compensation Board.

Facebook Comments