Pagsasabatas ng “Republic Act 11712” o batas para sa tuloy-tuloy na benepisyo ng mga health worker sa panahon ng pandemya, ikinatuwa ni senatorial candidate Loren Legarda

Ikinatuwa ni senatorial candidate Loren Legarda ang pagsasabatas ng Republic Act 11712 O “Public Health Emergency Benefits and Allowances for Healthcare Workers Act”.

Ayon kay Legarda, ang naturang batas ay nagbibigay ng “health emergency allowance” kada buwan ng serbisyo habang may pandemya.

Aniya, mabebenepisyuhan ang lahat ng mga manggagawa na nagtratrabaho sa mga medikal na pasilidad, vaccination area na kabilang sa COVID-19 response efforts, mga outsourced personnel na na-expose sa COVID o iba pang mga sakit na pampublikong banta sa kalusugan at sa mga village health workers.


Pagdidiin pa ni Legarda, bilang isa siya sa mga author ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover As One Act at bilang Chairperson ng New Normal Sub-Committee of the Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee, naniniwala ang senatorial candidate na karapat-dapat makatanggap ng ganitong klaseng suporta ang mga naturang manggagawa para sa lahat ng sakripisyo na ginawa nila at patuloy nilang ginagawa para sa bansa ngayong lalo na at hindi pa tuluyan na nawawakasan ang pandemya.

Facebook Comments