Bilang ng CKD train na tumatakbo sa linya ng MRT-3, umabot na sa apat

27

Umakyat na sa apat ang bilang ng mga 4-car CKD train sets na kasalukuyang tumatakbo sa linya ng MRT-3.

Bunga pa rin ito ng matagumpay na pagmimintina ng mga bagon at pagsasailalim sa serye ng mga speed tests at quality checking.

Nakatutulong ang mas maraming train sets sa linya ng MRT-3 sa pagpapataas ng kapasidad ng linya upang mas maraming maisakay na mga pasahero.


Sa ngayon, kayang makapag-deploy ng MRT-3 management ng 21 CKD train sets na binubuo ng 18 3-car train sets at 4-car train sets.

Ang isang bagon ay kayang makapagsakay ng 394 na pasahero, o 1,186 na pasahero kada 3-car train set. Ang 4-car train set ay kayang makapagsakay ng 1,576 na pasahero.

Facebook Comments