Pagsasabatas sa panukalang Maharlika Investment Fund, kailangang madaliin

Iginiit ni House Speaker Martin Romualdez ang pangangailangan na madaliin ang pagpasa sa panukalang batas na lilikha sa Maharlika Investment Fund.

Sinabi ito ni Romualdez makaraang magpakita ng matinding interes sa MIF ang global leaders na dumalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Speaker Romualdez, ipinakilala ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang MIF sa isinagawang Philippines’ Country Strategy Dialogue.


Binanggit ni Romualdez na ipinaliwanag ni PBBM na nagpapatuloy na ang proseso upang tuluyang maisakatuparan ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa.

Ang panukalang paglikha ng MIF na nakapaloob sa House Bill 6608 ay nakapasa na sa Mababang Kapulungan noong Disyembre 15 ng nakaraang taon at naipadala sa Senado noong December 19.

Facebook Comments