Pakikipagkita sa Filipino community sa Switzerland, prayoridad ni PBBM sa huling araw nito sa Switzerland

Aasahang nasa 1000 mga Pilipino na naninirahan at nagtatratrabaho dito sa Switzerland at mga kalapit bansa sa Europa ang makikiisa sa Filipino community event ngayong huling araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Switzerland.

Ang Filipino Community Event ay gaganapin sa The Circle Hyatt Regency Hotel dito sa Zurich Switzerland.

Ito ay gagawin ala-1 ng hapon dito sa Switzerland at alas-8 ng gabi d’yan sa Pilipinas.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong 758,019 ang mga Pinoy sa Europa, nasa 10,000 rito ay nakatira sa Switzerland.

Samantala ang pagdalo sa Filipino Community Event ay parte na nang foreign trip ni Pangulong Marcos.

Pero hindi niya ito nagawa sa kaniyang byahe sa China dahil sa pagtaas naman ng kaso ng COVID-19 nang bumisita ang Pangulo kamakailan.

Facebook Comments