Manila, Philippines – Pinuri ng World Health Organization (WHO) ang gobyerno ng Pilipinas kasunod ng pagsasabatas sa Universal Healthcare Bill.
Sa press conference kanina, sinabi ni WHO Representative to the Philippines Dr. Guindo Weiler na ang pagpasa sa UHCB ay patunay ng commitment ng gobyernong ng mabigyan ng universal healthcare coverage ang lahat ng mga Pilipino.
Aniya, ang pagsasabatas sa panukala ay simula pa lang ng hangarin ng gobyernong mapalawak ang access ng mga pinoy sa dekalidad at mas abot-kayang health services.
Naniniwala si Weiler na kailangan ng malakas na political will para maipatupad ang batas.
Nangako naman ang WHO na susuportahan ang Department of Health (DOH) at ang Philippine Health Insurance Corporation (philhealth) sa pagbuo ng implementing rules and regulations (irr) ng batas.